Sunday, October 9, 2016

First Name:
Last Name:
Password:
Radio Button: Are you male or female?
Male Female
Check Box: Check the languages you know
HTML
PHP
C

Friday, October 7, 2016

Santiago City: Must Visit Kainan or Restaurants 2016

Sa article na ito ay ang listahan ng mga pinaka sikat na restaurant or food establishments sa bayan ng Santiago City Isabela. Ang mga food establishment na  i-didiscuss natin sa baba  ay yung mga tinatawag na natin elder sa larangan ng food insdustry sa ating lugar. Minsan ang isang food establishment ay nakikila hindi lang dahil sa matagal na itong nakatatag sa lugar kundi dahil rin ito sa  uniqueness ng bawat putahe or delicasies na kanilang i-sineserve sa kanilang mga customer. Tulad ng ibang tao we also consider yung price ng kinakain natin pero mostly  ang pinakagusto natin is yung mura pero masarap,tama ba?  Below is yung mga restaurants na talagang kilala na natin at masasabi ko na talagang tatak Santiaguenyo.

 Big Brother's bar and Grill


 Kung isa kang Certified Santiaguenyo malamang alam mo o nakadalaw ka na sa lugar na ito.  Kung naghahanap ka ng pwede mong tambayan or cool place na may kainan at inuman, well ang Big Brother's Bar and Grill and sasagot sayo.  Ang Big Brother's bar and Grill ay matatagpuan sa National  Highway Corner Carrion St. Centro East Santiago City Isabela.  Dahil sa masarap ang mga foods nila dito at bukod sa mura ay talaga naman napaka relaxing ng paligid. Pwedeng pwede sa inyo ng barkada or pati na rin ang iyong pamilya. Marami ang nagpupunta dito tuwing gabi dahil akma ang theme ng lugar as a chilling place in Santiago City. Meron pang kasamang live acoustic  as an act of entertainment for their customers.  You can Visit their facebook page para sa iba pang reviews na pwedeng makatulong sa inyo.

Facebook Page:Big Brother's Bar and Grill

Alice Original Pancit Malabon


Isa rin ito sa pinakamatagal ng  kainan sa bayan ng Santiago City. Kung gusto mo ng mura at masarap na pancit malabon malamang itong lugar ang babagay sayo. Hindi lang pancit malabon ang binebenta dito kundi meron din barbeque,lumpiang sariwa,goto at marami pang iba.  Meron din silang binebentang bilao ng pancit malabon at masasabi ko na ito ay sulit at pang-masa.Para naman sa Brief history ng lugar na ito ay mula 2004 pa sila nagooperate ng kanilang business at sa palagay ko ay master na nila ang paggawa ng kanilang specialty dish. Matatagpuan ang Alice Original Pancit Malabon sa Lino Barrera St. Centro East Santiago City.  You can also visit their facebook page para sa iba pang information na  hindi ko na isusulat pa dito sa blog.

Facebook Page: Alice Original Pancit Malabon







Santiago City,Isabela :Updated Development 2016

Introduction

Hello po sa inyong lahat! Bago po natin simulan i-discover ang mga bagong kainan sa bayan ng Santiago City ay gusto ko po munang ipakilala ang ating munting bayan para sa mga ibang viewers at readers natin online.

Brief History at Development ng Santiago City, Isabela

 Ang bayan po ng Santiago City ay matatagpuan sa Region 2 sa  lalawigan ng Isabela at ang mga karatig bayan po ay ang Ramon, Cagayan, Ilagan,Quirino province at marami pang iba. Ang bayan ng Santiago ay marangya sa production ng mga grain product katulad ng mais at palay. Ang klima ay sakto lamang at dahil sa ang Santiago ay kapatagan na napapaligiran ng mga bundok,medyo mainit ang klima dito kaya kapag bibisita ka sa lugar ay huwag kang puporma tulad na aakyat ng Baguio :) .  Sabi ng ibang economy experts ay kung susumahin ang development lugar ay makikita kung gaano kadaming commercial establishments ang nakatayo dito at masasabi ko na habang tumatagal ang panahon ay nagiging mas maganda ang development ng Santiago City at kayang makipagsabayan sa ibang karatig bayan nito.
Sa dami ng taong pumupunta sa bayan ng Santiago City  at dahil isa ito sa mga centro ng negosyo ay hindi rin ma-ikakaila ang pag-usbong ng maraming Restaurants,malls at hotels sa bayan. Sa mga iba ko pang articles ay iisa-isahin natin ang mga updated restaurants na pwede nating bisitahin pag tayo ay napunta sa lugar  at kung meron tayong nais idagdag ay maari po kayong mag iwan ng suggestions sa baba para po ma-ilagay natin sa ating  blog para sa iba pa nating mga viewers.


About Me

About me:

A food blogger and a traveler at the same time. Sa blog na ito  ay idi-discuss ko kung ano ang mga in na pwedeng kainan sa Santiago City Isabela, Kung marami man sa inyo ang magtataka ay isinulat ko ang blog or article na ito sa sarili nating wika dahil napansin ko na puro english article ang aking nakikita sa internet ( para  maiba naman diba ?hehe ).  Since bago lang ako magsulat sa wika natin paki -intindi na lang at sana meron tayong mapulot kahit papano.  Ako ay lumaki din sa bayan ng Santiago at ako ay isang proud Isabelino.  Halos mag-iisang taon na rin akong naglalakbay sa iba't ibang lugar at nagsusulat ng travel blog at reviews.  Sana ay mag-enjoy kayo sa pag-babasa at kung marami pa akong kulang ay magcomment lang po kayo sa baba at i-try natin gawan ng article para sa mga iba pa nating mambabasa.